Hello guys! Kamusta na? Kwentong LDR naman tayo!
Read more to know about our family’s (LDR) long-distance relationship story back in Singapore. Labas nyo na tissue nyo mga Momsh! ;))
——————————————————————————————-
Minsan may mga nakakausap akong mga nanay din tulad ko. Nagugulat sila pag nalaman nilang stay at home mom ako. Swerte ko daw! Sarap daw ng buhay ko.
Tumatawa lang ako. Kasi kung alam lang nila yung pinagdaanan ko. Namin ni Dada..
Nagsimula kami ni Dada , LDR din. Nauna ko sa Singapore (SG) nung 2010. Tapos sumunod sya. Ayeeh.. 😉 Dun na kami kinasal. 2013 nagka-Marshall kami. Si Dada naiwan sa SG pero halos every weekend umuuwi din sa Pinas.
Until Jan 01 2014. New Year’s day.
Nakakangiti pa kami nyan. Pero pagtapos ng Media Noche, naghanda na kami papunta airport.
Pabalik kami ni Dada sa Singapore. Eto na ata yung pinakamalungkot na New Year namin… Magdadalawang buwan pa lang si Marshall nun pero iniwan na namin sya sa Pinas.
Mahirap. Mabigat sa pakiramdam. Pero Jan 1 kasi ang pinakamurang tiket pabalik. Wala na rin kaming enough leave. In fact, none paid leave na nga kami.
Literal na umiiyak ako paalis ng bahay, hanggang sa sasakyan, hanggang sa airport. Natigil lang ata ako nung humarap sa immigration. Pero maga ang mata ko.
Ilang araw din akong umiiyak nun.
February 2014. Di kami nakatiis. Bumalik na ulit kami ng Pinas. Sinundo na namin si Marshall papunta ng Singapore. That time, kasama din Mama ko at kapatid ko para matulungan ako sa pagalaga kay Marshall habang nagwowork kami.
Masaya na kami nun kahit ang stay lang nila is not more than 30 days kasi yun lang ang validity ng visa. Tapos uuwi na sila Mama at kapatid ko. Papalitan naman nila Nanay and Tatay (ni Dada).
Nagtry din kami magonline visa extension. Minsan successful, minsan hindi. Hindi namin alam kung anong condition, depende na sa immigration.
Nagtry din kami na lumabas ng Singapore, papunta ng Malaysia or Indonesia. Para maipasyal na din sila, at the same time, nagbabaka-sakaling maextend din yung visa nila.
Halos dalawang taon paulit ulit na ganon.
Until the day na naquestion sila Mama nung nasa Malaysia kami. Nahold sila for several minutes. Nothing serious pero medyo natrauma sila. Kaya hindi na ulit namin naging option yun. Napapansin din namin na napapagod din mga nanay namin. So, kami na lang umuuwi sa Pinas. Madalas. Sobrang dalas. Minsan over the weekend lang.
Nakakapagod din. Madami dami kaming effort, oras, at syempre, pamasahe. Pero sige lang. Kaya pa.
Nabuhay kami sa video call. Araw araw. Umaga, gabi, basta may pagkakataon.
Pero habang tumatagal, napansin namin lumayo pa rin yung loob ni Marshall samin. Napansin namin na mas naging malapit sya sa mga lolo at lola. Mas malambing sya sa kanila.
Hindi naman kami nagtampo. Malaki pa nga pasasalamat namin sa mga pamilya namin sa pagtulong samin.
Nakakalungkot lang na sana kami katabi nya, kami kayakap nya. Kami yung nandun kapag may sakit sya.
Eto na yung mga time na nagiisip-isip na kami ni Dada ng ibang options.
Nagresign pa nga ako sa una kong hospital sa Singapore. Ang plano, pag hindi ako nakahanap ng work agad, magsstay at home na ko para ako na magalaga kay Marshall. Pero just in time before expiry of my visa, nahire ako sa ibang hospital at naapprove naman agad working visa ko. Sabi siguro ni Lord, tiis tiis muna mga anak.
Nung 1st birthday ni Marshall, hindi kami nakauwi. Hindi ako pinayagan magleave. Kakalipat ko lang sa bagong work. Click here to read a touching open letter for Marshall. Nakaplano pa naman na kami ng 1st birthday celebration nya.
Pero pag gusto may paraan. Thank you Tita Tetet sa pagasikaso! Kahit hindi na sa exact birthday nya, umuwi pa rin kami ng Pinas ng hapon ng Sabado. Gabi ng linggo bumalik na kami Sg. 36 hours lang kami sa Pilipinas. Tapos trabaho din agad. Solve na kami dun.
Fast forward to Sep 2015, si Lord na gumawa ng paraan for us. Nasponsoran si Dada ng work dito sa Australia. Grinab na namin opportunity kahit hindi kami financially prepared. Mahirap din pero masaya pa rin kami kasi hiniling namin to sa Kanya.
Jan 2016 kami dumating sa Australia. Napagdesisyunan namin ni Dada na mag stay at home na muna ko. Maraming nagsasabi na sayang yung kikitain ko pag nagtrabaho ako. Totoo naman at alam namin na medyo nahuhuli kami sa oras ng pagiipon. Pero sige lang, kaya pa naman sa ngayon. Maaring sa mga susunod na araw or buwan, kung ipahihintulot na Nya, makakahanap din ulit ako ng trabaho. Pag nangyari na yun, panibagong challenge! Panibagong kwento! ;))
Naway makamit ng bawat nanay at mga magulang ang pangarap na tuluyan ng makasama natin ang mga anak natin. Hilingin natin sa Kanya, at ibibigay Nya yan, sa tamang panahon.
1 John 5:14-15
14 This is the confidence we have in approaching God: that if we ask anything according to his will, he hears us.
15 And if we know that he hears us—whatever we ask—we know that we have what we asked of him.
Watch our short video here. Don’t forget to like and subscribe! ;))
Btw, you might want to check out Mga Kwentong Nanay for more Mommy stories. May mga featured posts kami dyan! 😉 Share your Mommy stories din! Baka madami makarelate! 🙂
Click here to be updated with our family stories by liking our FB page 😉
Likewise, you may subscribe on our YouTube channel by clicking this link!