tobringtogether last day in Singapore

March 8, 2010 nun. SQ 915.

Madaling araw nung hinatid ako ni Rod sa airport. Boyfriend ko pa sya nun.

Ito yung unang international flight ko, kasama ng 30+ nurses papunta sa bansang ito.

Masama pakiramdam ko nun. Parang may trangkaso. Homesick ata agad ang peg ko. Hindi ko alam kung ano dadatnan ko dito, pero sabi ko sa sarili ko, 5 years lang ako.

Wow, 5 years na pala ang nakalipas, pero pakiramdam ko kahapon lang yun.

Parang kahapon lang nung una kong natanggap yung sweldo ko at nakapagremit ako sa Pilipinas. Dun pa lang nagsink in sakin na OFW na nga ako.

parang kahapon lang nung ang bestfriend ko ay ang laptop.

parang kahapon lang nung every 2-3mos e nagmamadaling umuwi ng Pinas kahit 3 araw lang.

parang kahapon lang nung umuuwi akong luhaan dahil sa stress sa trabaho.

parang kahapon lang nung simpleng English e hindi ko maintindihan.

parang kahapon lang nung una kong natikman ang Laksa.

parang khapon lang nung nalagpasan namin ni Rod ang long distance relationship at piniling magisang dibdib sa lugar na ito.

parang kahapon lang nung gumastos kami ng daan daan/libo libong dolyar kapag nagsasale..

parang kahapon lang nung taon taon e maghahakot ng gamit at lilipat ng bahay.

parang khapon lang nung nagkakaproblema kami sa visa ng mga pamilya namin.

parang kahapon lang nung may nagsabi saken na hindi ako makakaalis sa lugar na ito dahil kelangan ko ng pera.

parang kahapon lang nung may mga pagkakataong mararamdaman mong maraming pagsubok ang lugar na ito.

Ganunpaman,

parang kahapon lang nung natuto akong sumabay sa laro ng buhay dito.

parang kahapon lang nung naisip ko kung ano ba talaga ang dahilan ko at andito ako sa bansang ito.

parang kahapon lang nung narealize kong hindi dapat habambuhay akong OFW.

parang kahapon lang nung natuto akong magipon at maghanda hindi lamang para sa ngyon pero para rin sa hinaharap.

parang kahapon lang nung kelangan kong magpakumbaba hindi para ipakitang talo ako kundi alam ko sa sarili kong hindi ko kailangang patunayang tama ang sarili ko.

parang kelan lang nung kinailangan ipagtanggol ko ren ang sarili at pamilya ko bilang Pilipino.

parang kahapon lang din nung nakilala ko yung mga taong kasama ko sa hirap sa trabaho,

yung mga taong nagtuturo at di sinarili ang mga kaalaman, especially sa financial.

yung mga taong bukal sa loob ang tulong na alam mong hindi humihingi ng kapalit.

yung mga taong sumuporta samin mula sa umpisa.

yung mga taong nagbigay inspirasyon samin para maging mas matagumpay.

Alam nyo na isa kayo sa mga taong naging parte ng buhay namin at hindi namin maaabot ang mga pangarap namin kundi dahil sa tulong ninyo.

Higit sa lahat, kahapon man, ngayon, o bukas.. ipagpasalamat naten ang bawat araw na binigay Nya.

Ngayong araw na ito ang isa sa mga pinakamasayang kaarawan ko.

Hanggang sa muli kaibigan.
Hanggang sa muli Singapore.

Can, lah! :))

Share